vp-banner-advertise-with-us
Now Reading
VP/Cover: Queens of Comedy, Friends for Life

VP/Cover: Queens of Comedy, Friends for Life

So what’s the secret to Eugene Domingo and Pokwang’s, undeniable chemistry, on and off-screen? Friendship! The Queens of Comedy radiate happiness as they share the silver screen once again for their upcoming friendship movie, Becky and Badette, directed by Jun Robles Lana. 

Always giving, and always slaying, Uge and Mama Pokie (to most of their colleagues and legions of fans) have proven time and again that their films and TV shows can be phenomenal hits. Their popularity as artists reaches across all classes and ages—from Boomers to Gen X’rs, and most especially the Gen Z’s who call them “Mother” because of their rizz and fresh humor.

Stronger together, they share how their years of friendship make their lives colorful. And with Eugene being a loving ninang to Malia, Pokwang is a more confident mom knowing that she has a village raising her happy daughter. 

Coming from different beginnings as comedians, their stories tell how they are so relatable—it’s a struggle not to laugh! 

Who’s your first celebrity crush?

Eugene:  Si Joel Torre! May napanood akong indie film niya nu’ng late ‘80s yata ‘yon sa Sony House sa Cubao. Nakalimutan ko na ang title. Siya ‘yung Pinoy na guwapo at mestizo ‘di ba? So imagine my kilig nu’ng naka-partner ko siya sa soap, sa Marina (ABS-CBN, 2004). Grabe ang kilig ko nu’n!

Pokwang: Si Albert Martinez talaga! Cover siya ng notebook ko nu’ng first year high school ako! 

What’s the most rebellious thing that you did as a teenager?

Eugene: Naglayas ako! High school ako nu’n. Siyempre minsan hindi kami nagkakasundo ng nanay ko. Meron akong classmate na mayaman. Gusto kong ma-experience ang buhay nila. So du’n ako nakitira sa kanila. Pero hindi naman obvious na naglayas ako. Basta three days lang ako nawala. Siguro inassume lang ng nanay ko na may field trip ako o rehearsal sa glee club hahaha! Wala pang cellphone no’n at wala naman kaming telepono so hindi niya alam kung saan ako nagpunta talaga. Pero pagdating ko sa bahay, wala nang tanong-tanong. Wala siyang kamalay-malay na naglayas pala ako. 

Pokwang: ‘Yung hindi ko tinapos ang pag-aaral ko! Gusto ko na kasing magtrabaho at kumita ng pera. So walang alam ‘yung parents ko. Ang alam nila nag-aaral ako. ‘Di nila alam na nag-a-apply na ako for Japan. Kaya na-surprise sila nu’ng paalis na ako. O ‘di ba?

What was your first salary and how did you spend it?

Pokwang: ‘Yung legit na una kong suweldo talaga ay nu’ng nag-Japan na ako. 300 dollars a month yata ‘yun. Hindi ko na matandaan ang exchange rate nu’ng 1990’s. Tapos siyempre may mga cut-cut pa ‘yun. Ang una kong binili? TV! Kasi never kaming nagkaroon ng TV sa bahay eh.

Eugene: Siguro nasa 300 to 500 pesos. Naging puppeteer ako sa isang TV show directed by Chito Roño (Wari-Waro, RPN 9, 1988). Malaki na ‘yun for me nu’ng time na ‘yun! Saan ko ginastos? Malamang naglasing kami ng friends ko hahaha! Or bumili ako ng bagong t-shirt. Pero mas sure ako du’n sa naglasing kami hahaha!

Have you ever stolen a movie-set prop or wardrobe?

Eugene: Oo naman hahaha! Pero not exactly stolen kasi nirerequest ko na lang. Ang tawag nga nila sa akin sa set, Miss Add-to-Cart! Kasi pag may natipuhan akong damit, add to cart ko talaga ‘yan! Dito sa Becky and Badette, ang dami kong nagustuhang wardrobe ha. So hiningi ko na lang. In fairness, binigay naman nila hahaha!

Pokwang: Pareho kami ni Uge! Dati may isang blouse na maganda na ginamit kong wardrobe tapos nasama nila sa mga personal na gamit ko. Nu’ng binabalik ko na sa stylist, sabi niya: “Mang, sa ‘yo na lang ‘yan!” E di winner!

What’s your go-to videoke song?

Eugene: “Dancing Queen”! Ang saya kasi niya tapos ‘pag kinakanta mo, jumo-join ‘yung iba tapos nagsasayawan pa!

Pokwang: Trip ko talaga mga kanta ni Bonnie Tyler! “Total Eclipse of the Heart” ganern! Saka Aegis songs! Love it!  

If given a chance to star in a May-December affair movie, who would you choose as your leading man: Daniel Padilla, Joshua Garcia, Miguel Tanfelix, Ruru Madrid, or Donnie Pangilinan?

Eugene: Ah ako ‘yung matanda? Sorry akala ko kasi, ako ‘yung bata! Hahaha! Siguro si Miguel Tanfelix or Ruru Madrid. Nakatrabaho ko na kasi ang dalawang ‘yan sa Dear Uge. Parehong guwapo at simpatiko.

Pokwang: Ang hirap naman! Parang lahat sila, type ko! O sige na nga. Si Joshua na lang. Choosy yarn? 

Name three things on your bedside table.

Eugene: Naku, magkakabukuhan na tayo ng edad hahaha! Una sa lahat, efficascent oil. Tapos rosary. Saka prayer booklet!

Pokwang: Rosary, amethyst crystal, at timplahan ng gatas ni Malia!

What’s the sexiest part of your body?

Pokwang: Ay meron ba? Hindi ko makita, bakla! Hahaha! May nakapagsabi na maganda raw ang legs ko. Saka ‘yung kulay ko. ‘Yun na lang! Hahaha!

Eugene: My nose. Unique daw at saka cute, sabi ni Danilo (Uge’s Italian husband). Maigsi ang legs ko pero maraming nagagawa ‘yan. 

What’s your favorite cuss word?

Pokwang: Shutanginames! Hahaha! Baklang-bakla ‘di ba?!

Eugene: Puta or punyeta! ‘Yung malutong na malutong! Hahaha!

What’s your favorite expression?

Eugene: “Totoo ba?” Yes, that’s it! Hahaha!

See Also

Pokwang: “Amaccana accla!” Hahaha! Sarap sabihin niyan sa mga bida-bida! Gusto ko rin sabihin lagi ‘yung “mga accla”! (Turns to her make-up artist and stylist) ‘Di ba, mga accla? Oy mga accla, tama na ‘yang lafang! Ganurn! Hahaha!

What’s your favorite fan encounter?

Pokwang: Pag nasa Chicago ako, may mga fans ako du’n. Isang grupo sila. Ang babait at laging may pa-gifts, pati kay Malia. Nag-e-effort talaga sila. Minsan, umuuwi sila sa Pinas at nagkikita kami. 

Eugene: Wala naman akong fan encounter na naging problematic. Pero si Danilo talaga ang pinaka-exceptional. We met each other sa Udine Film Festival, in Italy. He introduced himself to me as my fan. Nu’ng una akala ko, stalker. ‘Yun pala, siya ang magiging forever ko! 

What’s something about Eugene or Pokwang that other people would find surprising?

Eugene: ‘Yung pagiging decisive ni Pokwang. I like that about her. Hindi mo siya madaling makukumbinsi minsan. Especially when she’s mad. 

Pokwang: Si Uge, straight to the point ang lola mo. Saka nakita ko talaga ‘yung pagiging nanay niya rin sa inaanak niya, kay Malia. Sabi niya, “‘Yang eskwelahan ng anak mo, ‘di porke kilalang school, diyan mo na ipapasok. Mas importante ‘yung makakatulong sa pag-develop ng pagkatao ni Malia.” Alam kong matatakbuhan ko siya when it comes to Malia.  

What career would you have chosen if you were not in show business? 

Eugene: Siguro, nasa business ako ng pagpapalago ng pera. Maybe an insurance agent or finance consultant? Anything that will help people in growing their money. 

Pokwang: Kasi galing ako sa pagiging OFW so gusto ko talaga magkaroon ng sariling restaurant. Malamang ‘yon ang ginagawa ko kung hindi ako napadpad sa showbiz.

Do you still have a dream role or a dream movie?

Pokwang: Gusto kong maging nanay na sundalo. Gusto kong ipakita ang katapangan nila. At saka gusto ko ring magka-movie with Papa Piolo Pascual! Bakit ba?! Hahaha!

Eugene: Siguro, every movie na ginagawa ko with Direk Jun Lana can be considered a dream role and a dream movie. Kasi nasusurprise talaga ako sa mga binibigay niya sa akin at sa mga pinapagawa niya sa akin. With Barber’s Tales, binigyan niya ako ng dramatic role na dream ko talaga. And then, with Ten Little Mistresses naman, natupad ang pangarap ko na gumawa ng isang whodunit movie na Pinoy na Pinoy. Of course, maganda rin ‘yung pinakita niya sa movie na ‘yon ang natural eye color ko, which is blue. Hahaha! Tapos ngayon, dito sa Becky and Badette, ginawa naman niya akong manika! ‘Yun papunta na sa laruan hahaha! So wala talaga akong maisasagot sa tanong na “What’s your dream role or dream movie?” kundi… “Surprise me!”

Publisher | Richie de Quina & Gwynn Crisostomo
Editor-in-Chief | John Luke Chica
PR & Advertising Manager |  Josh Austria
Digital Manager | Allen Esteban
Words by Shane David

Creative Director and Stylist | Jaylo Conanan
Associate Stylist | Jaydee Jasa
Photographer | Jose Mendiola
Film by | Joshua Maraña
Wardrobe Assistant | Janine Vargas and Arlen Pandaan
Studio | Prowess Supremacy Production Inc

Eugene Domingo
Make Up Artist | Jasper Sebastian Delacruz
Hairstyling | Emman Bautista
Assisted by | Ejay Alcantara

Pokwang
Make Up Artist | Roviel Castor
Hairstyling | Yvhonne Salcines

Special Thanks to The IdeaFirst Company, Direk Jun Robles Lana and Direk Perci Intalan

Scroll To Top