vp-banner-advertise-with-us
Now Reading
Handog ng SB19, BINI, SunKissed Lola, Flow G at Puregold ang bonggang OPM kolaborasyon sa “Nasa Atin ang Panalo” music video

Handog ng SB19, BINI, SunKissed Lola, Flow G at Puregold ang bonggang OPM kolaborasyon sa “Nasa Atin ang Panalo” music video

Matapos ang ilang linggo ng pagtaas ng antisipasyon at pagpapatikim sa mga kanilang mga social media, inilabas na ng Puregold ang music video ng bagong kantang “Nasa Atin ang Panalo.” 

Ipinakita nito noong Mayo 25, karapat-dapat na panoorin ng mga fan ng Pinoy Pop ang music video. Tinodo ang kolaborasyon ng apat sa pinaka-inaabangang talento sa musika: SB19, BINI, SunKissed Lola, at Flow G.

SB19

BINI

SunKissed Lola

Flow G

“Itong apat na mga musikerong ito ang pinakanakasasabik sa eksena ng musikang Pinoy sa kasalukuyan. Isang pangarap na natupad ang pagtatrabaho kasama sila sa pagbabahagi ng makapangyarihang mensahe. (These four artists are the most exciting acts in the Pinoy music scene today. Collaborating with them to share a powerful brand message is a dream come true),” ani Ivy Hayagan-Piedad, senior marketing manager ng Puregold. “Ipinagmamalaki ng Puregold ang kanilang tagumpay at iniaangat pa lalo ang OPM. Sa parehong paraan, isang malaki ng pribilehiyo ang sumuporta sa mga artistang ito sa paglikha ng kanta na inilalarawan ang Puregold bilang isang kompanya. (Puregold is proud to celebrate their success and further uplift the OPM scene. At the same time, it’s a great privilege to support these artists in creating a song that truly captures the heart of Puregold as a company.)

“Nasa Atin ang Panalo”

Tampok sa music video ang apat na mga talento na kumakanta at sumasayaw sa isang stylized Puregold store. Itinatanghal nila ang iba’t ibang talento: pag-harmonize, pagsayaw sa mahusay na koryograpiya, mga instrumental na solo, at sa kaso ni Flow G, pagsulat at pag-rap ng sariling mga berso. 

See Also

Higit sa hindi kapani-paniwalang pagsasama-sama ng apat na tanyag na mga musikero sa iisang music video at kanta. Ipinagdiriwang din ng “Nasa Atin ang Panalo” ang mga tao ng Puregold. Kasamang sumasayaw sa music video ang mga araw-araw na mamimili at ang staff na sinisigurong tumatakbo nang maayos ang Puregold. Pati si Aling Puring, nagpakita at nakisayaw din sa malalaking talentong Pilipino. 

Kuhang-kuha ng kanta ang esensya ng “Panalo” na inilalarawan ang mahabang kasaysayan ng Puregold sa industriya ng retail. Higit doon, inaawit din nito ang kuwentong panalo ng mga artistang kasama sa paglikha ng kanta, na lumahok sa proyektong ito kaakibat ang kanilang mga naratibo ng tagumpay. 

Patunay ang tuloy-tuloy na pag-angat ng SunKissed Lola sa kanilang pagtindig sa pagsasakatuparan ng kanilang mga pangarap. Paalala naman ang pag-unlad at coming-of-age na paglalakbay ng BINI ng halaga ng pagbabago sa paglipas ng oras. Halimbawa naman ang determinasyon at pagsulong ni Flow G ng determinasyon sa harap ng patuloy na mga hadlang. Ang kuwento ng SB19, na puno ng mga tagumpay at pagsubok, ay makapangyarihang larawan ng abilidad na harapin ang bawat bagong araw. 

Pinagsasama-sama ng kanta ang lahat ng ito, na malapit nang mapakinggan sa mga streaming platform gaya ng Spotify. 

Subalit hindi pa tapos ang pananabik ng mga Pinoy Pop fan; marami pang dapat abangan. Nagpatikim na ang apat na mga artistang ito ng mga solo track na ilalabas din kasama ng Puregold sa mga susunod na linggo. Bawat kanta ay mas lulubog pa sa indibidwal na mga kalidad. Ito ang mga naghatid sa bawat musikero sa kanilang mga pangarap na “always panalo.” Hinihikayat ang mga tagasunod na sumubaybay sa mga social media account ng Puregold. 

Sumubaybay na! Mag-subscibe sa Puregold Channel sa YouTube. I-like ang @puregold.shopping sa Facebook. I-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @puregoldph sa TikTok para sa mga update. 

Scroll To Top