SB19 wagi sa MYX Awards 2021; Asin kinilalang MYX Magna Awardee
Nasungkit ng Pinoy pop group na SB19 ang tatlong major awards sa kakatapos lang na MYX Awards 2021 na nagbigay pagkilala rin sa bandang Asin bilang MYX Magna awardee dahil sa malaking kontribusyon nito sa Original Pilipino Music (OPM).
Wagi ang SB19 bilang Artist of the Year habang ang hit song nilang “Alab” ang kinilalang Song of the Year at Music Video of the Year para sa video nitong idinirek ni Julienne Gueco.
Tinanggap naman ni Lolita Carbon ang MYX Magna award para sa grupong Asin, na nagpasikat ng mga kantang “Balita,” “Masdan Mo Ang Kapaligiran,” at “Himig Ng Pag-ibig” at naging tanyag sa paggamit ng mga instrumentong etniko sa musika nito.
Napanood ang bigating virtual awards night noong Sabado (August 7) sa iba’t ibang social media acount ng MYX. Napili ang mga nagwagi sa pamamagitan ng fan votes (60%) at poll sa artists (40%).
Ang rapper-songwriter na si Matthaois ang kinilalang New Artist of the Year habang ang patok na kantang “Dynamite” ng BTS ang panalo bilang International Video of the Year.
Dalawang awards naman ang nasungkit ng bandang Ben&Ben kabilang na ang Collaboration of the Year para sa kantang “Paalam” kasama si Moira dela Torre at ang Mellow Video of the Year para sa “Sa Susunod na Habang Buhay” na mula sa direksyon ni Jorel Lising. Kinilalang Rock Video of the Year ang “Lakas” ng COLN na idinirek ni Vladimer Castañeto. Napunta naman ang R&B/Hip Hop Video of the Year award sa “Love” ni Michael Pacquaio na mula sa direksyon nina Edrex Clyde Sanchez at Nick Hernandez.
May dalawang espesyal na pagkilala ring hinandog ang MYX ngayong taon: ang Special Achievement Award para kay Nadine Lustre para sa kanyang nakakabilib na “Wildest Dreams” visual album at Global Achievement Award sa Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo.
Sa unang pagkakataon ay iginawad din ng MYX ang Kumu Music Streamer of the Year award para sa nanguna sa botohan na si Jex de Castro.
Bukod sa pagkilala sa mga natatanging artists at music videos nitong nagdaang taon, ibinida rin ng bonggang musical event ang nakakapangilabot na performances mula sa iba’t ibang local at foreign artists.
Abangan ang television premiere ng #MYXAwards2021 sa August 14 (Sabado), 8pm sa MYX sa SKYcable ch. 23 at Cignal ch. 150. Para sa iba pang detalye, sundan ang MYX sa Facebook, YouTube, Twitter, kumu, TikTok, at Instagram.
Aside from being a businessman, Josh Austria has been working in PR and media industry for more more than a decade. From his years of experience as the Marketing and Advertising Head of Village Pipol Magazine, he has built strong relationships with creative people, brands, and organizations.