Now Reading
VP/Spotlight: Lala Vinzon, isang dalagang Pilipina

VP/Spotlight: Lala Vinzon, isang dalagang Pilipina

Aabutin, kukunin, at susungkitin. Si Lala Vinzon ay isang bituin na kayang akyatin at arukin anumang bulubundukin. Ipahintulot ninyo na ilarawan ko ang isang dalagang bagani at ang kanyang gandang pinag-aari. Ang ganda at postura niya’y nakakahigit pa sa isang Prinsesa. At para sa akin, isa siyang Reyna ng mga kapwa niyang sampaga. Isang dalagang Pilipina, siya ay hindi mahahalintulad sa isang tradisyonal na Maria Clara.

Sa modernong oras na ito, ang isang dalagang Pilipina ay hindi na nangangahulugang maging mahinhin at mayumi. Si Lala Vinzon, bilang isang dalagang Pilipina, ay malakas, matapang, masidhi, at mabangis. Para sa espesyal na pagdiriwang ng Buwan ng Wika at sa nalalapit na pagpapalabas ng pelikulang Balangiga 1901, ang Village Pipol ay maglalathala ng natatanging Tagalog na panayam kasama si Lala Vinzon.

VP/Spotlight: Lala Vinzon, isang dalagang Pilipina

 

 

 

VP/Spotlight: Lala Vinzon, isang dalagang Pilipina

Ang Labanan sa Balangiga ay isang makasaysayang pangyayari na naitalagang isa sa mga pinakamadugong engkwentro noong Digmaang Pilipino-Amerikano mula 1899 hanggang 1902. Ngayon, itong digmaan na ito ay itinuturing ng Amerika na pinakamalubhang solong pagkatalo buong giyera. Lalabas si Lala Vinzon sa pelikulang ito tungkol sa makasaysayang kaganapan. Siya ay gaganap bilang Casiana Nacionales.

“Ang karakter ko sa pelikula ay si Casiana Nacionales. Siya ay isang debotong Katolikong namumuno sa pagdarasal na umibig ng isang kalaban. Sa lahat ng kanyang naranasan at sa kabila ng katayuan niya sa buhay, nakabuo siya ng matapang na personalidad. Siya ay tapat sa kanyang bansa at sa taong nasasakupan nito. Sa aking palagay, marami kaming pagkakatulad lalong lalo na pagdating sa espiritwal na paniniwala, pati na rin ang kanyang pagiging asal at katapatan sa kanyang pamilya. Mayroon din siyang pagkahilig sa pag-awit.”

“My character in the movie is Casiana Nacionales. Casiana is a Catholic prayer leader, a woman who fell in love with the enemy. With all her experiences and status she developed a fierce personality. She is dedicated to her country and loyal to her people. I think we are similar in a lot of ways especially when it comes to our spiritual beliefs, values, and loyalty to our family. She also has a passion for singing.”

 

 

Lala Vinzon sa Balangiga 1901

Pinaghandaan ni Lala ang pelikulang ito. Ibinabad niya ang kanyang sarili sa isa sa mga pinakamalaking pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Para maghanda, siya ay nanuod ng mga lumang Tagalog na pelikula upang aralin kung paano gumalaw ang mga tao, kung paano sila magsalita o tumugon. Higit pa diyan, inaral niya rin ang buong storya ng Balangiga na naging magandang karanasan upang maging konektado sa kanyang karakter.

“Ipagtatapat ko na hindi ko inaakalang ito ang magiging kauna-unahang gagampanan ko sa pelikula, bilang isa sa mga mahahalagang tao sa kasaysayan ng Balangiga. Sa aking pagaakala, makukuha ko ang etong papel na ito matapos ang tatlo hanggang limang taon sa aking karera sa pag-arte. Sa ngayon, ginamit ko ang lahat ng tulong na makukuha ko galing sa mga tao na nakilala ko sa industriya. Maswerte akong makatanggap ng buong suporta galing sa ibang mga aktor, kawani, at direktor ng pelikula para sa gagampanang kong maaaring pahalagahan ng mga Pilipino magpakailanman.”

“To be honest I never expected that in my first movie, I would play the role of a very important person in Balangiga. I thought that I would get a role like this after 3 to 5 years of my acting career. So I used all the help I can get from the people in the industry. I’m lucky to have the full support from other actors, staff, and our director in the movie for this role that Filipinos will cherish forever.”

Sa aming panayam kay Lala, noong sumbok para sa papel ni Casiana, hindi niya alam ang buong ideya ng storya ng Balangiga. Matapos ang pag-uusap nila ng koponan ng produksyon kasama ang direktor na si Danny Marquez, ikinwento nila ang buong storya kung anong nangyari sa Samar nong 1901. Ayon kay Vinzon, kilabot at pananabik ang naramdaman niya dahil sa mga pagsasagawa ng eksenang tumatakbo sa utak niya.

 

Nang tanungin namin siya kung anong dapat asahan ng publiko sa pelikula, eto ang sinabi ni Lala,

“Ang palabas na ito ay maaaring makapagbago ng perspektibo sa buhay at sa ating bansa. Maaari ring makaramdam ng pagmamalaki bilang isang Pilipino ang mga makakapanuod ng pelikulang ito. Ang ating kasaysayan ay isa sa mga pinakarespetado at pinakamahalagang kaalaman na mayroon tayo. Sa pamamagitan ng pelikulang ito, matututo tayo sa nakaraan ng ating lipunan, pamahalaan, kultura at kung paano pinaglingkuran at pinorotektahan ng mga Pilipino ang ating bansa. Ang Balangiga ay isa sa mga pinkamahahalagang pangyayari sa Pilipinas, ipapakita dito kung paano nagdusa sa kamay ng dayuhan ang ating bayan at kung paano tayo nakaligtas at nagtagumpay para sa ating sariling bansa.”

“This movie will change our perspective in life, in our country, and be proud to be Filipino. Our history is one of the most respected and most valuable knowledge we will have. Through this movie, we are able to learn the past societies, governments, cultures, and how we, Filipinos, have served and protect our country. Balangiga is one of the most important events in the Philippines, this will show how we suffered at the hands of foreigners and how we survived and succeeded for our own country.”

Balangiga 1901 ay ang pinakaunang proyekto ni Vinzon matapos ang pandemya. 

Sa aming panayam, inamin ni Lala Vinzon na ramdam niya ang swerte upang makabalik muli sa pagtatrabaho. Maliban diyan, ramdam niya ang pananabik na magdagdag pa ng trabaho sa kanyang patuloy na paglago. Inamin niya na nakaramdam siya ng takot nang magdesisyon siyang lumipat mula sa pagiging tagapalabas patungo sa pagiging aktres.

Saludo ako sa mga aktor na kahit pagod na ay patuloy pa din na maging kaaya-aya at ipakita ang kanilang kadalubhasaan sa kabila ng nakakapagod na trabaho na mayroon sila. Alam ko na ako ay bata pa, na dapat lubusin ang pagkakataon na mayroon ako kaya tinahak ko ang maging bahagi ng isang pelikula at dagdagan ang aking kinahihiligan sa buhay. Ang pagiging isang mang aawit and tagapagsulat ng mga awitin ay mananatili sa akin datapuwat ang pagiging aktres at mabigyan ng pagkakataon na umarte sa iba’t ibang pagkatao sa pelikula ay isa sa mga pinakamagandang karanasan bilang isang artista. Ang pag arte ko ay ang panibagong paraan upang maihiwaly ko ang aking sarili sa realidad nang kahit sandali, upang ipahayag ang aking pagkamalikhain at kilos sa iba’t ibang paraan.”

“I salute actors who get tired but still manage to look presentable and act professional despite the tiring job they have. But I am young, who should enjoy every bit of opportunity that will come my way so I took the chance to be in the movie and add another passion to my life. Being a singer and songwriter will always be in me but to be an actress and to be able to play different characters is one of the best experiences an artist can have. Acting is now a way to separate me from reality once in a while to express creativity and gestures in different ways.”

 

 

 

 

Balik trabaho sa kabila ng pandemya.

Madami ang nahinto dahil sa pandemya. Ngunit, madami rin ang ginamit etong oras na ito upang makapagpahinga, trabahuhin ang sarili, at ayusin ang oras ng kanilang kinabukasan. Si Lala naman ay naghandang magtrabaho. Nagsulat siya ng kanta, gumawa ng mga music video, gumanap sa pinakauna niyang pelikula, at pumirma sa ilalim ng isa sa mga pinakamalaking istasyon ng telebisyon.

“Nagpapasalamat ako na hindi ako napigilan ng pandemya para abutin ang aking mga pangarap. Syempre nagsasanay pa rin kami ng mga hakbang sa kaligtasan sa trabaho at hindi ko ikakaila na magkakaroon ng mga pagkakataon na matatakot ako sa aking pag uwi at hindi mapapakali dahil sa hindi ko nais na madala ang virus sa aking pamilya. Subalit nanalangin na lang ako sa Panginoon na iligtas kami at protektahan kami sa lahat ng mga nangyayare. Mahalaga ngayon na magkaroon ng malakas na pananampalataya sa ganitong mga hindi kanais nais na mga pangyayare.”

See Also

“I am thankful that the pandemic did not stop me from pursuing my dreams. Of course, we practice safety measures at work and there are times where I’ll be scared and uneasy because I don’t want to bring home the virus to cause my family to have it. But I just pray to God to keep us safe and protected from everything that’s been happening. It is important to have faith in these troubled times.”

Tuwang-tuwa siya nang makabalik siya ng trabaho. Noong ika-walong araw ng Hulyo, nakipagkita siya sa kanyang handler at road manager sa GMA Artist Center. Ngayong tinatahak niya at sumusunod siya sa yapak ng kanyang ama, wala siyang ginawa kundi tumingin pasulong.

“Umaasa ako dito sa aking panibagong paglalakbay at habang buhay na magpapasalamat sa mga biyaya at mga proyekto na ipinagkatiwala sa akin ng aking dating tagapamahala. Inaasahan kong ito ang magbubukas ng maraming pintuan para sa mga magagandang oportunidad para matulungan ang aking pamilya at ang mga tao na sumusuporta sa akin sa lahat ng aking paglalakbay.”

“I hope that this will open my doors for new opportunities to help my family and the people that supported me all throughout my journey.”

 

 

 

Aabutin, kukunin, at susungkitin. Si Lala Vinzon ay isang bituin na kayang akyatin at arukin anumang bulubundukin.

Publisher | Richie de Quina & Gwynn Crisostomo
Editor-in-Chief | Angela Baltan
PR & Advertising Manager |  Josh Austria
Digital Manager | Allen Esteban
Interview by Angela Baltan
Interview Translated by May Ann Leanillo

Words by Angela Baltan
Photographer
 | Junessa Rendon
Makeup | Guillano Vallenzuela
Hair | Jeff Valenzuela
Styling by | James Bradlee Gomez

Designers

White Maxi Dress by La Glamour |  LA Glamour Queen
SOLIHIYA FILIPINIANA Sleeves by | Viatrice Sto Tomas
Araw sa Palengke Dress by | Nina Amoncio
Talong Corset by | Viatrice Sto Tomas
Poncan Corset by |  Viatrice Sto Tomas

Accessories

Earrings |  KATAW
Necklaces, Bracelets, and Rings |  Unsaid Cinch
Heels | Zara

Special Thanks to GMA Artist Center, Tea Ni Juan, and Chester Jan Singian

Scroll To Top