Now Reading
Local entertainment queens voice out support for ABS-CBN amid shutdown

Local entertainment queens voice out support for ABS-CBN amid shutdown

Entertainment
https://www.instagram.com/p/B_zaRmsncIB/?utm_source=ig_embedhttps://www.instagram.com/p/B_zX42nnPgD/?utm_source=ig_embedhttps://www.instagram.com/p/B_zka9Gn3GX/?utm_source=ig_embedhttps://www.instagram.com/tv/B_2QP4sFY_q/?utm_source=ig_embedhttps://www.instagram.com/p/B_znOMIj14x/?utm_source=ig_embedhttps://www.instagram.com/p/B_zXmzQFpeb/?utm_source=ig_embed

Philippine entertainment’s biggest names expressed their support for ABS-CBN as the network was forced to stop its television and radio operations following the National Telecommunications Commission’s “cease and desist” order last Tuesday, May 5.

As the largest media network closed down, 11,000 employees lost their jobs.

Here are some big names and their social media posts. Take a look!

Megastar, Sharon Cuneta

“Iniisip at inaalala naming artists ng aming tahanan, ang ABS-CBN, ang ilampung-libong empleyadong lumaki nang kasama ko, at ang mga batang bagong empleyado pa lamang ng aming istasyon… You are all in my heart and prayers. We love our home. And some people have made us homeless now… May God bless us all.”

“Sa gitna ng aming kalungkutan at mga luha, nais lamang po naming ipaalam sa inyo na kami ay mananatiling inyong nagmamahal na Kapamilya… hanggang dulo mamahalin namin kayo. Maraming, maraming salamat po sa inyong pagmamahal sa aming pamilya sa loob ng 67 na taon.”

Queen of Teleserye, Judy Ann Santos

“Nakakalungkot.. nakakapanghina… nakakatulala.. dalawang bagay ang hindi ko inakalang mangyayari sa buong buhay ko.. ang maranasan ang ECQ at magsara ang naging bahay at buhay ko mula 13 years old ako.. maraming mas dapat pagtuunan ng pansin sa mga panahong to.. maraming nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.. maraming natutulungan ang kumpanyang bumubuhay sa puso ng mga tao sa panahong to sa pamamagitan ng mga programang pwedeng magpalibang at pansamantalang makalimutan ang mga problemang pinagdadaanan nating lahat… bakit po? Bakit ngayon?? [Hindi] po bang mas importanteng magtulungan tayo at magkaisa kahit pansamantala na muna habang may kinakaharap tayong mas malaking kaaway?

“Hindi po ba dapat sama sama nating ginagawa ang pwede nating maggawa para makapagsilbi sa mamayang pilipino?? [Hindi] ko naiintindihan… kung may iilang tao ang nagbubunyi ngayon dahil nakuha at naggawa nilang maipasara ang abs cbn.. mas marami po kayong taong nasaktan at tinanggalan ng trabaho sa panahong lahat ng tao ay nag aalala kung paano bubuhayin ang mga pamilya nila… maari po bang makahingi ng sapat na paliwanag??”

Movie Queen, Bea Alonzo

“Isang sulat para sa aking tahanan,

hindi man magaling, susubukan pa rin.

maiparating lamang ang nilalaman ng damdamin.

Isa itong parinig.

Mali.

Isa itong reklamo.

Mali.

Isa itong pagpuna.

Mali. 

Isa lamang itong pagbabalik tanaw kung paano ba nagkamuwang

at nabuo ang pagkatao sa piling ng mga taong pinagkakatiwalaan

at sa lugar na tinuring nang tahanan.

Nagsimulang mangarap nung bata pa lang na humarap sa madla

at magkaroon ng puwang sa industriyang hinahangaan. 

 

Pula. berde. bughaw.

iikot muli ang roleta ng buhay

Hindi laging nasa ibaba.

umaasang iikot muli ang roleta.

Hanggang sa muli,

Kapamilya”

See Also

Superstar, Nora Aunor

Multi-awarded actress Nora Aunor released an official statement regarding the shut down of ABS-CBN.

“Bilang nagtrabaho rin ako sa ABS-CBN ng marami ring taon mula pa sa radyo hanggang sa telebisyon ay nakaramdam ako ng lungkot sa pagsasara nito.

“Nasa GMA 7 man ako ngayon na hindi ako pinababayaan ay naisip ko ang mga taong maaapektuhan sa pangyayaring ito. Naniniwala ako na sa panahong ito ay dapat magmalasakitan ang bawat isa, Kapuso man o Kapamilya.

“Alam kong maraming mga empleyado ng kumpanya na mawawalan ng trabaho at kawawa ang kanilang mga pamilya na umaasa lamang sa network. At sana hindi ito nangyari sa panahong dumadaan tayo sa krisis dulot ng COVID-19.

“Ako ay lubos na umaasa na malalagpasan ng ABS-CBN ang suliraning ito na dumating sa kanila. Sana ay muling makapagtrabaho ang kanilang mga talent, empleyado lalo na yung mga maliliit na manggagawa nila.”

Star For All Season, Vilma Santos

HINDI AKO MAGPAPAALAM DAHIL ALAM KONG MAGBABALIK KAYO!!!

MABUHAY ABS-CBN.

Multimedia Star, Anne Curtis

https://www.instagram.com/p/B_znUYBBpWF/?utm_source=ig_embed

“I’m still in disbelief that this is actually happening. It’s so heartbreaking. Nakakalungkot 💔.
To my ABS-CBN Family, I stand with you. I pray for brighter days and hearing “in the service of the Filipino” on air again.
A big hug sa lahat ng aking KAPAMILYA.”

Movie and TV Royalty, Angel Locsin

“Para sa kapwa. 

“Sa panahon na kailangan ng hanap buhay ng mga tao. Let’s be considerate and ask ourselves kung makakatulong ba ang mga desisyon natin sa lalo na sa panahong ito. 
To ABS-CBN, isang karangalan po na naging bahagi at nakasama ko po kayo. Mahal ko kayo

“Para sa #MalayangPamamahayag  #NoToABSCBNShutdown”

 

View Comments (0)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Scroll To Top